Una sa Balita

50K fastest win sa Las Piñas Col

0 226

GARANTISADO ang P50,000 sa pang-Sabadong edisyon ng “Fastest Win One-Cock Ulutan” ngayon, Sabado, Pebrero 22 sa airconditioned Las Piñas Coliseum.

Alas-9:00 nang umaga ang umpisa ng pasabong na ito nina Roy Christian at Egay Sayaman.

Ang registration fee ay P550.

“Sigurado ang 100 entries dito. Maraming entries sa LPC,” ani llamador Cris Villanueva.

Isusunod bandang alas-2:00 nang hapon ang Pitmasters Live at puwedeng makisali sa aksyon dito sa 12 Pitmasters kiosks.

Sa Marso 12 ang bagong iskedyul ng “Happy Birthday Papa Mayor 3-Cock Derby” ni businesswoman Budjit Aguilar.

May entry fee ito na P5,500 lamang at P4,400 ang entry fee.

Tawagan lamang ang 8873-1040, 0929-180-0960 (Grace 1) o 0915-358-2076 (Julius). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More