Una sa Balita

50K Fastest Win larga sa Las Piñas

By
0 610

PAGLALABANAN ang premyong P50,000 sa Las Piñas Coliseum sa pang-Sabadong edisyon ng “Fastest Win One-Cock Ulutan” na may inaasa­hang 100 entries ngayon, Feb. 23.

Mababang P550 lamang ang entry fee at P3,300 ang minimum bet sa pasabong na ito nina Felix Ego at Teteng Group.

Tatanggap ng P1,000 ang unang 20 winners at paghahatian ng mga three pointers ang P20,000.

Inaabangan naman ang taunang paderbi para sa mga smalltime cocker at hackfight enthusiast, ang “Happy Birthday Papa Mayor 3-Cock Derby” sa Mar. 13, mula sa promosyon ni Budjit Aguilar.

May cash prize ito na P400,000 at entry fee na P4,400.

Inihahanda rin ang palaban ni coliseum ma­nager Alex Tobias, ang “Boss A Summertime 4-Cock Derby” sa Apr. 24.

Sa detalye: 873-1040,0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) at 0915-3582076 (Julius).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy