Una sa Balita

500K turistang Pinoy ngayong 2019 target ng Taiwan

0 428

Tinatanaw ng Taiwan na magkaroon ng 500,000 bisitang Pinoy bunsod ng paparaming palitan ng biyahe sa Manila at Taipei, Taiwan sa mga nagdaang taon.

Sabi ni Taipei Representative to Manila Peiyung Hsu sa ulat ng GMA News, higit 330,000 Pilipino na ang lumibot sa Taiwan mula Enero 1 hanggang Agosto 31, 2019, 14% mas mataas kumpara noong nakaraang taon.

Bunga umano ang pagdami ng bisita sa “visa exemption policy” ng Taipei para sa Pilipinas mula 2017.

“Our target is 500,000 by the end of this year, and I urge all of you to take advantage of our program giving Filipinos two-week visa-free entry into Taiwan,” ani Hsu sa isang pagtitipon noong Huwebes, Oktubre 10.

Iba’t ibang patakaran sa liberalisasyon ng visa ang pinatupad ng Pilipinas at Taiwan sa nakalipas na mga taon, na repleksiyon umano ng kagustuhan ng huli na makipagkaibigan at bumuo ng mas matibay na bilateral relation sa una.

Sa ngayon, nasa 150,000 ang manggagawang Pinoy sa dayuhang bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy