Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

₱500K pabuya sa tipster ng mga killer ni Heredia

0 131

INANGAT na ni Capiz Governor Esteban Evan Contreras ang halaga ng perang handa niyang ibigay para mahuli ang pumatay kay Pilar town administrator John Heredia.

P100,000 ang unang alok ng politiko, na tinaas niya patungong P500,000 kasunod ng ambag mula sa mga kamag-anak, kaibigan, at mga concerned citizen ng naturang bayan. Dalawang linggo na ang nakalilipas, si Heredia, na dating broadcast journalist, ay binaril ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa harap ng isang hardware store sa Roxas City.

May ilang ‘persons of interest’ na ang Special Investigation Task Group ng pulis Roxas City sa krimen pero nananawagan parin sila sa mga saksi na tumulong na sa paglutas sa kaso. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.