Una sa Balita

5,000 camel pinatay sa Australia

0 422

PINATAY sa pamamagitan ng aerial control­ ope­ration ang mahigit 5,000 camel sa southern ­Australia.

Ayon sa ulat ng Anadolu Agency, minasaker ang malaking grupo ng non-native camel dahil sa pagtungo ng mga ito sa mga rural community dulot ng matinding init ng panahon.

Kinokonsidera ang mga ito na peste dahil dinudumihan umano ang mga water source at nakakasira sa mga native plant sa paghahanap nila ng makakain.
Banta rin sila sa mga indigenous community na nasa tuyot na area ng southern Australia.

“The population of non-native camels had exploded in recent years and were causing significant damage to infrastructure and native vegetation, danger to families and communities,” paliwanag ni Anangu Pitjantjatjara Yankunytjatjara General Manager Richard King. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More