Una sa Balita

500 Pinoy sa Japan ship pauwiin na — Locsin

0 288

IPINAG-UTOS na kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi sa mga Pilipinong sakay ng Diamond Princess cruise ship matapos na makumpleto ang labing-apat na araw na quarantine period dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inatasan ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo na agad i-repatriate ang 538 na Pilipino na sakay ng nasabing barko.

Sinabi ni Locsin, tungkulin aniya ng gobyerno na alagaan ang mga Pinoy doon at gusto na nilang umuwi sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon aniya inaayos na ng embahada sa pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Japan at ng cruise ship ang mga detalye, logistics at schedule ng pagpapauwi sa mga Pinoy na sumailalim sa 14 na araw na quarantine sa barko.

Base sa rekord ng Department of Health, 41 sa higit 500 Pilipino sa cruise ship ay nagpositibo sa COVID-19.

Pawang mga crew ng barko ang mga nagpositibo na naka-confine ngayon sa ospital sa Japan.

Samantala, magaling na ang u­nang tripulanteng Pinoy na nagpositibo rin sa COVID-19 habang sakay ng cruise ship sa Japan.

Ayon naman sa DOH, isasalang muli sa 14 na araw na quarantine ang mga marinong Pinoy sa Japan pagdating sa Pilipinas. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More