Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

500 Pasayeño bibigyang-trabaho ng Swedish furniture giant

0 84

Inanunsyo ni Pasay City Mayor Emi Caluxto-Rubiano na kukuha ang Swedish furniture giant na IKEA ng nasa 500 residente ng lungsod kapag nagsimula na ang operasyon nito sa Agosto.

“Malugod ko pong ipinaaabot sa ating mga kababayan ang magandang balita na magha-hire ang IKEA ng hindi bababa sa 500 residente mula sa ating lungsod para magtrabaho sa kanilang branch dito sa ating lugar,” pahayag ng alkalde.

Dagdag niya, ang store sa Pasay City ang pinakamalaking IKEA branch sa mundo.

SM food to go Banner Ad

Aniya, magandang pagkakataon iyon sapagkat marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Bukod doon, magha-hire rin ang IKEA sa Pasay City branch ng nasa 20 Filipino staff na kasalukuyang empleyado sa iba’t ibang store nito sa ibang bansa, lalo na sa Middle East. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.