Una sa Balita

500 pasahero inilikas sa cruise ship sa Puerto Rico

By
0 0

Nasa mahigit 500 ­pa­sa­hero ang inilikas ng United States (US) Coast Guard sa isang cruise ship na naglalayag sa north coast ng Puerto Rico makaraang magkasunog ang loob ng barko.

Nabatid na sakay umano ng Caribbean Fantasy ship ang mga inilikas na pasahero at dinala ito sa kapitolyo ng Puerto Rico sa San Juan.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang US Coast Guard para alamin ang pinagmulan ng sunog na sa inisyal na ulat ay nagsimula umano sa engine room at mabilis na kumalat sa buong ­barko.

Wala namang naita­lang nasawi o nasugatan sa naganap na insidente.

Habang dinala naman ang cruise ship sa Isla de Cabra para sa isasa­gawang imbestigasyon ng mga awtoridad.