Una sa Balita

PAISTARAN: 500+ na netizens, nagtalu-talo sa boobs ni Kim D.!

By
Kim Domingo
0 25

Dahil sa isang post ni Kim Domingo sa kanyang Instagram account na nakatagilid siya, naka-sando, at naka-panty, pero medyo labas ang malusog na boobs, mahigit 500 tao ang nagtalu-talo, ha!

Humamig nang mahigit 30,000 ang likes ng photo na `yon, pero nakakaloka ang nangyaring talakan.

May mga nagsabi kasi na dapat ay hindi nagpu-post ng ganun si Kim, dahil masamang impluwensiya raw `yon sa mga followers niyang bagets. Pero may mga nagsasabi rin na nag-i-enjoy sila sa mga posts ni Kim, dahil nairaraos nila ang kaelyahan nila.

Siyempre, lumaki nang lumaki ang tsika, at umabot na sa punto na inakusahan na si Kim na ma­landi, puta, at peke ang boobs.

At dahil doon, hindi nakapigil si Kim, at mega-sagot siya sa mga akusasyon sa kanya.

“It’s not my problem anymore kung pagnasahan nila ko. Who cares? And kahit nagpapakita ako ng katawan, may respeto pa rin ako sa sarili ko, dahil hindi ko naman pinapagamit ang katawan ko sa kahit kanino.

“Hindi sa damit nababase kung may respeto ka sa sarili mo o wala,” unang tsika niya, na sinang-ayunan naman ng marami niyang followers.

Eh, hindi pa roon tumigil ang bashers. Kaya muli ngang sumagot si Kim.

“Imbes boobs ko ang problemahin at pagtalunan ng iba, atupagin na lang kung paano aasenso buhay niyo. As long as wala kang tinatapakang tao, go lang and of course yes pwede lahat mag-opinion…

“You can call me slut, whore, bitch, fake boobs or whatever, wala akong pakialam.

“Masaya ang buhay ko, sobrang daming blessings, sana kayo rin… God bless you guys…” sey ni Kim.

Angel at Jessy harapan, kaabang-abang!

Angel, Jessy at Luis
Angel, Jessy at Luis

Exciting daw na makita si Angel Locsin na mag-guest sa Banana Sundae, lalo na ngayong nasa ika-8 taon na sila. Eh, magkaibigan naman daw sina Angel at Angelica Panganiban, kaya bongga raw sana kung magkulitan ang dalawa sa gag show na `yon ng ABS-CBN.

Sayang nga raw dahil nu’ng kainitan ng promo ng The Third Party (movie ni Angel, kasama sina Zanjoe Marudo at Sam Milby), puwedeng-puwede na mag-guest doon si Angel, pero bakit hindi nangyari.

Pero siyempre, hindi naman ang friendship nina Angel at Angelica ang gustong makita ng mas maraming tao, kundi ang paghaharap nina Angel, at isa sa mga mainstay ng Banana Sundae, si Jessy Mendiola.

Si Angel ang ex, at si Jessy ang present! Bongga sana ang ‘skit’ sa dalawa, kung saka-sakali nga.

Well, sabi ng producer ng Banana Sunday, maggi-guest naman talaga si Angel. Professional naman ang mga artista ng Dos, kaya puwedeng mangyari ‘yon.

Okey, abangan na lang natin ang paghaharap nina Angel at Jessy!

Anyway, dahil walong taon na ngang naghahain ng masarap na katatawanan sa mga Pilipino ang Banana Sundae, kaya naman bilang pasasalamat sa fans, isang anniversary show ang kanilang gagawin sa Kia Theatre ngayong Huwebes (Nov. 17).

Abangan ang pasabog na group production numbers nina Angelica, John Prats, Pokwang, Pooh, Jayson Gainza, JC de Vera, Jessy, Sunshine Garcia, Jobert Austria, at Aiko Climaco.

Last ‘Child’ Standing naman sa Minute…

Speaking of Jessy’s dyowa na si Luis Manzano, abot-tenga nga ang mga ngiti ng binata ni Ate Vi (Cong. Vilma Santos) dahil sa mataas na ratings ng mga shows niya sa ABS-CBN, tulad ng Minute To Win It, at Family Feud.

At sa mga darating na araw, ang mga bata naman ang susunod na ibibida ang kanilang husay, liksi, at diskarte at maglalaro ng exciting games sa top-rating Kapamilya game show na Minute to Win It.

Kaya naman ngayong darating na Sabado (Nov. 12) mula 9AM hanggang 1PM, bubuksan ng programa ang auditions nito para sa mga batang edad pito hanggang 12 na may kasamang magulang o mas nakatatanda.

Para siguradong makasali, dalhin din ang birth certificate ng bata.

Anyway, noong Martes (Nov. 8), nagtala ang Minute To Win It: Last Man Standing ng national TV rating na 22.8%, higit na mataas kumpara sa kalabang programang Wowowin na nakakuha ng 16.7%, base sa Kantar.

Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang www.facebook.com/minutetowinitPH o sundan ang @MinutePHL sa Twitter.