Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

500 Egyptian inatake ng mga alakdan

0 164

Tatlo ang nasawi sa biglaang paglutang ng mga alakdan sa kabahayan ng mga residente sa Egypt bunsod na rin ng flashflood.

Nabatid na bukod sa nasawi ay pumalo sa mahigit 500 ang bilang ng mga taong inatake ng alakdan na kinailangang turukan ng anti-venom sa mga ospital.

Sa report ay itinanggi pa ng Egyptian Health Ministry na nasawi ang tatlong biktima na kabilang sa security forces, na kamandag ng alakdan ang ikinamatay ng mga ito.

Sinasabing umaabot lang sa 1-milimeter ang rainfall sa Aswan area kaya marami ang nagulat sa biglang pagbaha sa lugar.

Madalas na namamataan sa disyerto ang fat-tailed scorpions ng Egypt, na itinuturing na isa sa mga pinakamapanganib sa buong mundo.

Bukod sa pananalakay ng mga alakdan ay nawasak din ang ilang kabahayan at mga kalsada dahil sa malakas na ulan sa Aswan desert.

Leave A Reply

Your email address will not be published.