Una sa Balita

50 taon tapyas-buwis sa mga negosyante, tinabla ni Duterte

0 842

NADISKARIL ang 50 taong tax incentives para sa ilang negosyante matapos i-veto ni Pangulong Rodrigo ang enrolled bill patungkol dito.

Isinoli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang panukalang batas para sa pagakakaroon ng Regional Investment and Infrastructure Coordinating Hub sa Central Luzon.

Hindi sang-ayon ang Pangulo sa magiging epekto ng panukalang batas sa malilikom na buwis ng gobyerno.

Batay sa nakapaloob sa enrolled bill, pagkakalooban ng tax incentives sa loob ng limampung taon ang ilang rehistradong negosyo at posibleng mapalawig pa ito.

Sinabi ng Pangulo na magandang panghikayat sa mga investor ang panukalang batas pero dapat na isaalang-alang ang malaking buwis na mawawala sa pamahalaan.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na mas mainam ang isang tax system na hindi mabigat sa panig ng mga tax payer pero sapat upang makalikom ng kailangang pondo para sa mga programa ng gobyerno.

Idinagdag pa ng Presidente na maaari din namang makalikha ng sistema na makakahikaya’t ng mga investor na ang makikinabang sa huli ay ang mga Pilipino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy