Una sa Balita

50 Pinoy stranded sa Hong Kong airport

0 275

NASA 50 Pinoy ang nais­tranded sa Hong Kong International Airport (HKIA) bunsod ng kaguluhan sa kilos protestang isinagawa sa mismong paliparan.

Ayon kay Paolo Velasco Saret, Philippine Consul General sa Hong Kong, ‘on and off’ ang operasyon ng HKIA simula noong Lunes nang hapon.

Sinabi ni Saret na nasa 50 Pinoy ang naistranded sa HKIA noong Martes dahil walang airport personnel na magpoproseso ng kanilang mga dokumento.

“We would be coordinating with the immigration para po makauwi na ang mga dapat makauwi,” sabi pa ni Saret.

Pinayuhan naman ni Saret ang mga Pinoy na huwag munang tumungo sa Hong Kong dahil baka maipit sila sa mga isinasagawang kilos protesta sa special administrative region ng China.

Tiniyak naman ng sugo na ligtas ang mga OFW sa Hong Kong dahil araw-araw na ang ginagawang kilos protesta ng mga pro-democracy demonstrator.

“Generally speaking, as long as wala ka sa lugar ng protesta, relatively safe pa naman ang Hong Kong,” dagdag pa ni Saret.

Higit sa 200 flight ang nakansela dahil sa isinagawang lockdown sa HKIA noong Lunes at Martes nabg hapon. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy