Una sa Balita

50 Greatest Athletes

0 277

Congratulations to the greatest 50 athletes of all time.

Sigurado maraming debate at kritiko sa mga nasama at hindi nasama sa listahan.

Siyempre unang-una sa aking coach/father Filomeno ‘Boy’ Codiñera Jr. ng softball at baseball, Sen. Pacquiao, Paeng Nepomuceno, June Mar Fajardo, Allan Caidic, Lydia De Vega, Elma Muros, Sonny Jaworski, Don Ramon Fernandez, Caloy Loyzaga at iba pa.

To Quinito ‘The Dean’ Henson at Bill Velasco salamat sa well-deserved recognition sa mga atleta.

***
Congrats again kay Japeth Aguilar sa pagiging Finals MVP niya this conference at pagiging champion ng kanyang koponan na Ginebra.

Darating at darating din talaga ang araw na dodominahin ni Japeth ang PBA at both ends of the court.

Nagkaroon ako ng first hand experience to work with him at nasa kanya lahat ng tools para maging isang complete all-around player.

Explosive, athletic at mahaba. It’s just a matter of time ‘ika nga.

Pagdating sa NBA, si Japeth siguro ang pinaka-potential player na puwedeng makapasok.

Kailangan talaga siguro kapareho din na matin­ding tutok na ginagawa ngayon sa bagong sumisikat na batang si Kai Sotto.

Maliban sa highly skilled dapat ang manlalaro na pang-NBA, height ang pangalawa, athleticism pangatlo at driven.

Magaling talaga si coach Tim Cone na hindi niya tinrade si Japeth, kasi height is might pa rin.

Mahirap na sa panahon ngayon sa basketball humanap ng 6’9 na tumatakbo at marami ng international experience.

Kung sa una titignan mo si Japeth slow starter sa career niya, grabe ang expectation sa kanya, halos walang nagtitiyaga na coach sa kanya.

Pero ayan umusbong na, kahit medyo late lang at least nakahabol. Long overdue.

Tuloy-tuloy na ‘yan.

Kaya ayan abangan niyo mga team sa PBA meron na kayong bagong sakit sa ulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More