Una sa Balita

5 todas, 3 sugatan sa pumalpak na Russia rocket test

0 219

Limang katao ang namatay habang tatlo naman ang sugatan sa pagsabog ng rocket sa naval test range sa Russia noong Huwebes.

Ayon sa state nuclear company Rosatom, naganap ang aksidente sa ginawang pagsu­bok sa liquid propellant rocke­t engine.

Nabatid na ang tatlong sugatan na staff ay nagtamo ng lapnos sa malaking bahagi ng kanilang katawan.

Kabilang umano sa nagtatrabaho sa Nyonoksa site ay ang engineering at technical team na siyang gumagawa ng “isotope power source” para sa propulsion system.

Bawat missile system na ginagamit ng Russian Navy, kabilang na ang intercontinental ballistic missile, cruise missile at anti-aircraft missile ay sa Nyonoksa site muna sinusubukan bago ipagamit sa navy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy