Una sa Balita

5 timbog sa Zambo buy-bust

By
0 9

Limang umano’y drug pushers ang nabasyo ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Navy sa isang buy-bust operation sa Zamboanga City sa Mindanao.

Nabawi ng mga awtoridad sa mga suspek ang 20 mga pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa isang kilo na may halagang P5 milyon at ang sala­ping ginamit sa naturang drug deal.

Kinumpirma naman ito ni Lyndon Aspacio, ang regional director ng PDEA at kinilala ang mga nadakip na sina Binnajar Hadjili, 30; Din-din Ronie, 30; Jamesar Hussin, 33; Jamesar Abdulmaid, 33; at Dismar Gulam, 23.

Abante Hiring – IT dep

Nabatid na pawang taga-lalawigan ng Sulu ang mga suspek at hinihinalang nagmula sa Malaysia ang naturang droga.

Natiklo ang mga ito kamakalawa sa Governor Camins Avenue kung saan ikinasa ang buy-bust operation. Hindi umano natunugan ng mga suspek na pawang mga undercover agents ang kanilang naka-deal.

Kasalukuyang nakapiit sa PDEA regional office ang mga suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.