Una sa Balita

5 timbog sa pangongotong sa perya

0 466

LAGLAG sa kinasang entrapment operation ang lima diumanong nangotong sa isang peryahan sa Biñan City, Laguna Martes nang gabi.

Hindi na nakapalag nang posasan ng pulisya matapos na tanggapin ang P1,500 marked mo­ney ang mga suspek na nakilalang sina Ma. Trisha Pearl Manzanilla, 50-an­yos; Jiselle Anne Ferrer, 27; Camilo Remorta, 65; Mark Angelo Delamasa, 24; at Rex Hermo, 49.

Sa ulat ng Biñan City Police, isang reklamo ang kanilang natanggap sa may-ari ng isang perya­han hinggil sa ginaga­wang pangongotong ng mga suspek sa kanyang negos­yo sa Barangay Sto. Tomas ng nasabing lungsod.

Humihingi ng hala­gang P1,500 ang mga suspek para sa kanilang buwanang payola sa nasabing peryahan kung saan tig-P300 ang mga ito kada ulo sa pangakong bibigyan nila ng proteksyon ang negosyong perya ng nagrereklamo na sad­yang hindi na binanggit ang pangalan.

Pinabalik naman ng may-ari ang mga suspek ng Enero 14 nang gabi subalit lingid sa kanilang kaalaman ay nagsumbong na ito sa pulisya dahilan upang isagawa ang entrapment operation pagbalik ng mga ito sa puwesto nitong Martes nang gabi. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More