Una sa Balita

5% taripa sa manok, turkey nilagdaan ni Duterte

0 242

Nagpalabas ng execu­tive order si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagpapanatili ng 5-porsiyentong taripa sa mechanically deboned meat (MDM) ng poultry.

Ang nasabing EO no. 82 ay nilagdaan ng Pangulo noong Hunyo 13 kung saan bukod sa mababang tariff rate ng MDM ng mga manok ay kabilang din dito ang karne ng turkey.

“The present economic condition warrants the continued application of the reduced rate of duties on certain agricultural products to mitigate the impact of high prices of goods,” saad ng Pangulo.

Magugunitang noong nakaraang taon ay hinirit din ng Phili­ppine Association of Meat Processors Inc. na i-maintain ang 5% ta­riff sa MDM upang matiyak na affordable sa mga mamimili ang mga canned goods at processed meat product. (Prince Golez

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy