Una sa Balita

5-taong pagpalawig ng kontrata sa AMA

By
0 1,401

 

NAPAKASARAP at napaka-mapaghamon na trabaho ang pagiging isang coach. Halos nandito nang lahat ang iba’t ibang emosyon na iyong mararamdaman. Kaakibat ang saya, lungkot, kaba at takot pero ang pinaka-importante ay ang respetong nakukuha mo at pagiging isang pamilya.

Sa tagal ko na ring nagko-coach at marami nang napuntahang iba’t ibang iskuwela at kompanya, dito ko natagpuan sa AMA University ang tunay na pagmamahal at saya na matagal ko nang hinahanap.

Abante Hiring – IT dep

Ito’y sa kadahilanang ang lupang kinatitirikan ng AMA University ay pag-aari ng aming pamilya, at dati po itong St. Catherine Hospital na kami mismo ay nakatira sa loob ng naturang ospital. Ang lola namin ay isang doktora at siya ang nagmamay-ari.

Nagkataon lang na nangailangan ng bagong coach ang AMA na gustong may programa mula grassroot hanggang sa pinakamataas na liga sa bansa. Nagulat ang may-ari ng AMA sa una naming pagkikita nang marinig nya ang apelyido ko.

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat ko kay AMA Chairman Amable R. Aguiluz V, President Amable C/ Aguiluz IX, Senior Vice president Arnel Hibo at sa aming dating school directors ng vollege at high school na si Mam Josie Balon at Sir Aldric Manrique. Sila ang mga naging susi sa pagpasok ko sa AMA University.

Gayundin ang tiwalang mabigyan pa ang inyong lingkod ng 5-year extension na makapagsilbi bilang Sports Director ng naturang unibersidad.

Ang buo kong pamilya ay walang sawang nagpapasalamat sa tiwala at pagmamahal na binigay sa akin ng AMA Family, mula sa aking mga magulang, kapatid, at asawa pati na rin sa 2 anak ko na nag-aaral sa San Beda College at ang aking panganay na since elementary ay kaklase ang anak ng aming AMA president na parehong graduating na ngayon.

Wala pa ako sa AMA ay nakikita ko na sila, kaya’t maraming pangyayari na masasabi ko na talagang, ako’y para sa AMA.

Magkakaron pala ako sa Marso hanggang summer ng patorneo na tatawaging TAPANG AT MALASAKIT National Basketball & Volleyball Tournament para sa mga kabataang lalaking mga isinilang ng taong 2002 pababa para sa basketbol at 1999 paba para sa balibol volleyball.

Ito’y open po sa lahat ng schools at sa barangay level sa pangunguna ng anak ng Pangulo na si Paulo ‘Pulong’ Duterte. Pwede nyong tawagan ang mga numerong 09213143333 (NCR) hanapin si coach Edwin; 09165250515 para sa Luzon at Visayas, hanapin si coach Benjie at Rizal; at sa 09996100646,(mam Sharlene).