Una sa Balita

5 suspek sa sinunog na ex-cong arestado

0 395

HAWAK na ng Philippine National Police-Criminal Investigation ang Detection Group (PNP-CIDG) ang limang katao na diumano’y responsable sa pagpatay at panununog kay dating Batangas 2nd District Congressman Edgar Mendoza at dalawa nitong kasama sa Tiaong, Quezon.

Kinumpirma ito ni PNP-CIDG Director Brig Ge­neral Joel Coronel sa isang ambush interview sa Camp Aguinaldo kahapon nang umaga.

Sumasailalim na umano sa imbestigasyon ang limang naaresto at nangangalap na ng dagdag na ebidensya, gayundin ang pagkonsulta sa mga prose­cutor ng Department of Justice para makapaghain ng matibay na kaso laban sa mga suspek.

Bukod dito ay hindi na pinalawig pa ni Coronel ang detalye sa pagkakahuli sa limang suspek at tumangging pangalanan ang mga ito.

Matatandaang Enero 9 nang madiskubre ang sunog na kotse at tatlong bangkay sa loob nito.

Matapos ang pagsusuri sa bangkay, nakumpirmang ito ang katawan ni Mendoza, drayber na si Ruel Ruiz at bodyguard na si Nicanor Mendoza.

Ayon pa kay Coronel, na isa sa mga motibo ng pagpatay ay may kinalaman sa away sa pera at legal dispute dahil sinabi umano ang isa sa suspek na mayroon siyang transaksyon hinggil sa pera kay Mendoza.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-CIDG ang limang suspek, isa sa mga ito ang itinuturong mastermind ng pagpatay habang ang iba ang siyang pumatay at sumunog sa mga biktima. (Edwin Ba­lasa/Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More