Una sa Balita

5 sugatan sa nasunog na candy warehouse

By
0 1,030

ISANG warehouse ng candy at mga carton ang tinupok ng apoy na nag-iwan ng limang kataong sugatan, kabilang ang apat na mga manggagawa at isang fire volunteer sa Navotas kamakalawa nang hapon.

Sa ulat ng Navotas City - Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas-dos nang hapon nang sumiklab ang apoy sa tatlong palapag na gusali ng Columbia Candy Corp. na matatagpuan sa kahabaan ng Escoda St., Brgy. San Rafael Village ng lungsod ng navotas
Ayon sa isa sa mga empleyado ng warehouse, nakarinig umano sila ng mga nagpuputukan sa ikatlong palapag nang nasabing gusali.

Mabilis na nasunog ang mga plastic ng candy dahilan upang mahulugan sila ng mga nagbabagang parte ng mga ito.

Sinubukan umano nilang apulahin ang apoy sa pamamagitan ng paggamit ng fire extinguisher ngunit hindi ito umubra dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy dahil nga rin sa mga nakaimbak na plastic at carton.

Mabilis na nakares­ponde ang mga bumbero ngunit hindi kaagad naapula ang apoy dahil na rin sa mga nasusunog na materyales sa warehouse, kinakaila­ngan pa itong gamitan ng kemikal upang tulu­yang maapula.