Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 sugatan, 1K residente nasunugan sa Cebu

0 253

LIMA ang sugatan habang 1,000 mga residente ang nawalan ng tirahan nang masunog ang isang residential area sa Barangay Mambaling, Cebu City nitong Biyernes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) aabot sa 300 bahay at mga establisimiyento ang nasira.

Umaapela ngayon ng tulong ang mga nasunugang residente sa lokal na pamahalaan maging sa provincial government at sa mga tumatakbo sa eleksyon.

Hanggang nitong weekend ay patuloy na inaalam ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang kabuuang halaga ng tinupok. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.