Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 senador sinulong amiyenda sa substitution ng mga kandidato

0 127

Naghain si Senador Win Gatchalian ng panukala na ipagbawal na ang pagpapalit sa kandidatong nagdesisyong umatras sa pagtakbo sa halalan.

Sa pangunguna ni Gatchalian, tumatayong co-author sina Senate Majority Leader Migz Zubiri, Sen. Nancy Binay, Sen. Grace Poe at Sen. Joel Villanueva.

Pinapayagan ng Omnibus Election Code sa ilalim ng Section 77 nito, ang pagpapalit ng opisyal na kandidato ng isang rehistrado o kinikilalang political party sakaling siya ay mamatay, ma-disqualify o umatras sa halalan.

Subalit, ayon kay Gatchalian, madalas na sinasamantala ang withdrawal o pagbawi ng certificate of candidacy para makapagpalit ng kandidato at ito’y paglapastangan sa pagiging seryoso sa proseso ng paghahain ng kandidatura. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.