Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 sa Abu Sayyaf sumuko

0 22

SUMUKO ang limang miyembro ng Abu Sayyaf sa Western Mindanao Command sa Lamitan City, Basilan.

Sa report, nitong nagdaang Linggo sumuko ang mga ASG members, ayon kay Wesmincom commander Lieutenant General Corleto Vinluan Jr.

Dagdag ni Vinluan, humarap ang mga ito sa 68th Infantry Battalion Headquarters sa Campo Uno.

Kinilala ang mga itong sina alias Nori, 32-anyos; Ansar, 44; Dam, 44; Miyo, 42; at Sharim, 30.

Sinabi naman ni 68th IB acting battalion commander Lieutenant Colonel Napoleon Pabon, Jr. na kabilang sa isinuko ng mga ito ang apat na M1 Garand rifles at isang KG9 semi-automatic pistol.

Ang nasabing Abu Sayyaf members at mga armas nito ay itinurn over sa Joint Task Force Basilan kay commander Brigadier General Domingo Gobway. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.