Una sa Balita

5 pulis opisyal sa drug matrix hawak ng PNP

By
0 977

HAWAK na ng Philippine National Police (PNP) ang limang aktibong opisyal ng pulis na umano’y sangkot sa aktibidad ng iligal na droga.

Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na nasa kanilang pangangalaga na sina Sr. Supt. Leonardo Suan, Supt. Lorenzo Bacia, Insp. Lito Pirote, Insp. Conrado Caragdag at SPO4 Alejandro Gerardo Liwanag.

Ang lima ay ipinatawag ng Albayalde upang harapin ang imbestigasyon laban sa kanila at ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

“In compliance with the orders of President Rodrigo Roa Duterte, I have directed the CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) and the DPRM (Directorate for Personnel and Records Management) to ensure the availability of six dismissed and active PNP personnel to face investigation by the National Bureau of Investigation (NBI) in connection with ongoing probe into the reported drug smuggling at the Bureau of Customs,” pahayag ni Albayalde.

Matatandaang lumutang ang pangalan ng limang opisyal kasama ang dinismis na si Sr. Supt. Eduardo Acierto sa drug matrix na isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy