5 pulis Malabon na sangkot sa robbery extortion sumuko sa PNP

By
0 213

Sumuko sa Philippine National Police (PNP) ang limang pulis na sangkot sa pagkidnap sa isang negosyante noong Mayo 20, 2017.

Iniharap ng PNP sa mga media ang limang suspek na pulis alas-10:00 ng gabi nitong Biyernes.

Ito ay sina PO3 Michael Angelo Solomon, PO3 Luis Hizon, PO2 Michael Huerto, PO1 Jovito Roque Jr at PO1 Ricky Lamsen, na galing pa ng Palawan kung saan doon umano nagtago at sumuko bandang alas-7:00 ng gabi.

Isasailalim sa inquest proceedings ang limang suspek at ilalagay sila sa kustodiya ng Intelligence Task force Group ng PNP.

Ayon sa PNP, at large pa ang dalawa pang pulis na SPO2 Jerry Dela Torre na miyembro ng Central Intelligence and Detection Group (CIDG) at PO3 Bernardino Pacoma na miyembro naman ng Civil Security Group.

Ang pitong pulis Malabon ay sangkot sa pagkidnap sa negosyanteng si Norma Adrales noong Mayo 20, 2017.

Nagbigay ng pabuyang P2 million si Pangulong Rodrigo Duterte sa ikadarakip ng mga suspek.

Nahaharap ang mga pulis sa kasong robbery, kidnapping, carnapping at planting of evidence o paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...