Una sa Balita

5 patay sa pagsabog ng bulkan sa New Zealand

0 264

LIMA katao ang kinumpirmang patay­ sa nangyaring pagsabog­ ng bulkan sa White Island sa Eastern Bay ng Plenty of the North Island sa New Zealand nitong Lunes, Disyembre 9.

Maliban sa limang nasawi ay marami pa ang iniulat na sugatan sa nangyaring trahedya, ayon sa mga awtoridad.

Ang limang biktima ay kabilang sa mga naunang na-rescue.

Mahigit sa sampu­ pa ang iniulat na nawawala sa isla na paboritong pasyalan ng mga turista.

Nagpadala na ang New Zealand Defense Force (NZDF) ng mga tauhan sa isla kabilang ang P-3K2 Orion aircraft, 2 NH90 helicopters at Navy ship HMNZS Wellington para tumulong sa rescue operation ayon sa inilabas na statement ng NZDF.

Sa ulat, sinabi umano ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na nasa 100 katao kabilang ang mga turista ang nasa isla nang mangyari ang pagsabog ng bulkan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More