5 patay sa drug operations

By ,

Limang drug suspects ang tumimbuwang sa magkahiwalay na insidente sa dalawang Lungsod ng Maynila at Caloocan City matapos manlaban sa isinagawang drug-buy bust operations.

Patay ang tatlong katao matapos na manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 2 sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. 

Kinilala ni PO3 Jeffrey Laus, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang mga nasawi na sina Jonathan Sumagka Jr., alyas ‘Carlo’, 23, at taga-1350 La Torre St., Tondo, Maynila; Francisco Pacheco, alyas ‘Kiko’, 38, taga-1362 Narcisa St., Tondo; at Lauro Soriano, alyas ‘Dong’, 55, at taga-1362 Narcisa St., Tondo sa nasabing lungsod.

Samantala, patay din ang dalawang tulak ng shabu sa Caloocan City matapos na manlaban sa mga tauhan ng Caloocan City Police-Drug Enforcement Unit sa isina­gawang operasyon sa bahay na pagmamay-ari ng target nilang si Percival Garcia na ginagawa na umanong drug den sa Brgy. 176, Bagong Silang sa nasabing lungsod.

Ngunit pagdating sa lugar ay agad umano silang pinaputukan ng kasama­han ni Garcia na nakila­lang si Aldrin Balcera dahilan upang mapilitan na rin silang paputukan ng pulisya, patay antimano sina Balcera at Garcia na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Naaresto naman ang magkapatid na babae na sina Katrina at Claire Bermudez habang 3 lalaki naman ang nakatakas.

SHARE