Una sa Balita

5-oras na bakbakan sa Agusan del Norte

By
0 4

Iba’t ibang uri ng armas, landmines, pasabog, bala at mga personal na gamit ang narekober ng militar matapos ang halos limang oras na pakikipag-engkuwentro sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa RTR, Agusan del Norte.

Base sa nakarating na ulat sa Camp Aguinaldo, bandang alas-4:30 ng madaling-araw noong Linggo, nang naka-engkuwentro ng mga kasapi ng 3rd Special Forces ng Philippine Army (PA) ang hindi mabilang na grupo ng mga rebeldeng NPA sa barangay San Antonio.

Napag-alaman na nilusob at agad pinaulanan ng tama ng punglo ang patrol base ng mga sundalo na nahantong sa sagupaan na tumagal ng halos limang oras.

Matapos umatras ang mga rebelde nang dumating ang reinforcement ng militar, narekober sa lugar ang iba’t ibang uri ng armas, mga landmines, mga pasa­bog, iba’t ibang uri ng bala at mga perso­nal belongings na naiwan ng mga rebelde sa kanilang pagtakas.