Una sa Balita

5 opisyal ng DepEd-Benguet kinasuhan sa korapsiyon

0 510

LIMANG opisyal ng Department of Education–Benguet Schools Division (DepEd-BSD) ang kinasuhan ng grave abuse of authority, conduct unbecoming of an officer at paglabag sa anti-graft and corruption practices act dahil sa umano’y kuwestionableng bidding para sa pagsasaayos ng electrical system ng iba’t ibang paaralan.

Batay sa apat na pahinang affidavit complaint ni Salvador Liked, Secretary-General ng Cordillera Chapter of the Citizens Crime Watch-Cordillera Administrave Region (CCW-CAR), kinilala niya ang mga akusado na sina Nestor Bolayo, Chairman of the Bids and Awards Committee (BAC); Glenn N. Duguis, BAC Vice Chairman; Lucio B. Alawas; Florabel Buclay at Jeanette Kiong.

Ayon kay Liked, noong July 2, 2018, ang BAC ng Benguet School Division ay nakakuha ng bidding sa proyektong ‘Upgrading of electrical system on various school sites – 2018 BEFF Electrification Batch 1 (Lot 1, 2, 3, 4, 5, and 6).’

Sinabi nito na ang Lot 2 at 6 ay in-award sa QPJ General Engineering Construction and Supply (QPJGECS) at ang Lot 4 ay in-award sa Begal Design and Construction.

Ngunit, ayon kay Liked, ang bidder na WWW Construction ay dinisqualify ng mga akusado na makuha ang Lot 1, 2, 3 at 5 dahil sa lowest bidder ito.

May masamang hangarin umano ang miyembro ng BAC na nagsagawa ng ‘required post evaluation’ para sa pangalawang pinakamababang bidder ng Lot 1, 3 at 5 na ibinigay sa ibang bidder.

Sa depensa ni Bolayo, ang desisyon ng BAC ay ‘in good faith’ at wala silang nilalabag sa batas. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy