Una sa Balita

5 online bugaw arestado

By
0 345

KULUNGAN ang bagsak ng limang human trafficker na pawang mga babae na ginagamit ang mga menor de edad, kabilang umano ang kanilang mga anak, sa cyber pornography, sa serye ng raid na ikinasa ng mga awtoridad sa Lapu-Lapu at Cebu City.

Nasagip sa limang suspek, na sadyang hindi pinangalanan, ang 11 menor de edad na may edad 12 hanggang 2-anyos.

Nabatid na isinagawa ang raid noong Huwebes ng mga miyembro ng Philippine National Police Women and Children Protection Center-Visayas Field Unit at naaktuhan ang mga bata na naka-livestream video, kapalit ng pera mula sa mga foreigner na kostumer ng mga suspek.

“Today’s three simultaneous operations and arrest of five suspected online traffickers reflect strong commitment and coordination by WCPC Visayas, DSWD (Department of Social Welfare and Development) 7, Iacat (Inter-Agency Council Against Trafficking) 7, and Lapu-Lapu Police,” pahayag ni Atty. John Tanagho, International Justice Mission-Cebu Field Office director.

Napag-alaman na unang nasagip ang pitong kabataan sa Lapu-Lapu City habang apat pang kabataan ang nailigtas sa dalawang raid sa Cebu City.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang mga nasagip na bata.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy