Una sa Balita

5 OFWs na may sakit, ipinagamot at binigyan ng kabuhayan

By
0 151

Limang overseas Filipino worker (OFW) na may karamdaman mula sa Dammam, Saudi Arabia ang nakauwi na sa Pilipinas at tumanggap ng tulong medikal at pang­kabuhayan mula kay Senator Cynthia A. Villar

Dakong alas-3:00 ng hapon nang makaharap ni Senator Villar ang limang manggagawang Pilipino na sina Rodrigo Santiago Jr. 45-anyos ng Sta Maria Bulacan, may sakit na acute pericarditis; Oscar Penaflor,64 ng Limay Bataan, may sakit na hypertension; Rolando Palao,55, ng North Fairview ,Quezon City, sakit na spondylosis; Arturo Layson,59, ng Limay Bataan na may heart condition; at si Manolito Toston,44, ng Talugtug, Nueva Ecija na may congestive heart failure, na pawang mga general foreman ng Mohammad Al Mojil Group (MMG).

Dahil sa tulong ni Blas Ople Policy Center President Susan Ople ay nakauwi ng Pilipinas ang limang manggagawa na may mga karamdaman at hindi na sila nabayaran ng kanilang kumpanya sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagtratrabaho sa nasabing bansa.

Kasama ng limang manggagawa ang kanilang mga asawa na kung saan malugod na tinanggap ni Villar ang mga ito sa kanyang tanggapan sa Senado at binigyan ng ‘start-up set’ para makapagsimula ng isang sari-sari store.

Bukod pa dito ini-refer din ng Senadora ang lima sa Las Piñas Hospital para mapa-check up ang mga ito.

Bibigyan din ng Phil health card ang mga OFWs upang malibre sa kanilang pagpapa-check up sa kani-kanilang mga sakit dahil mangang­a­ilangan ng mahabang gamutan ang mga ito sa kanilang karamdaman.

Bukod sa mga ito, may 500 pang Pinoy workers na na-stranded sa nasabing kumpanya simula pa noong Setyembre 2013 ang humihingi na rin ng tulong kay Villar at kay Ople para makauwi ng bansa.

Nihayag pa ng lima na mayroon pa silang apat na kasamahang sina Jonathan Basi, Jimmy Wuthrich, Guillermo Recomio at Roque Capistrano na may mga sakit na kinakailangan maiuwi na din sa lalong madaling panahon.

Nagpasalamat naman ang limang manggagawa kay Villar sa ibinigay na tulong pangkabuhayan at medical assistance.

“Hindi po ako makapaniwala na nandito na ako sa ating bansa at bukod pa dito isa po ako sa masuwerte na na­bigyan ako ng tulong ni Ma’am Senador Villar na pang­kabuhayan at tulong medical dahil mayroon na po akong sakit sa puso,” pahayag ni Mang Arturo.

Tinawagan ni Villar, director ng Villar Social Institute of Poverty Alleviation and Goverment (SIPAG) ang atensyon ng Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration (DFA-OWWA) upang pag-ukulan ng pansin ang pangangailangan ng stranded OFWs, partikular ng mga nangangailangan ng medical attention.

“The assistance we are extending to distressed OFWs is a simple way of helping them start a new right here at home. I know the loss of jobs coupled with sickness makes it more difficult to provide for their families. We assure you that we will continue to work with the pro­per government agencies to expedite the repatriation of all the stranded ofws” pahayag ng senadora.

Binigyan diin pa ni Villar na malaki ang na­ging epekto sa libu-libong manggagawang Filipino sa Kingdom ang Saudization policy na ipinatupad upang bigyan ng prayoridad ang Saudi nationals sa pagbibigay ng trabaho.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy