Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 NCR LGU una sa Sputnik V

0 46

Limang local government unit sa National Capital Region ang maghahati sa 15,000 dose ng COVID-19 vaccine ng Russia na dumating sa bansa kahapon.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, tatanggap ng tig-3,000 dose ang mga lungsod ng Makati, Taguig, Muntinlupa, Maynila at Parañaque.

Nang tanungin kung paano tinukoy ang mga lugar na unang tatanggap ng Russian bakuna, sagot ng opisyal: “Meron silang cold-chain… tapos ready yung facility na mag-receive.”

Kailangang iimbak ang Sputnik V sa pasilidad na may temperaturang -18 degrees Celcius para manatiling epektibo.

Nabatid na konti lang muna ang pinadalang bakuna ng Russia dahil nais nilang malaman kung paano ia-administer ng Pilipinas ang mga bakuna at para matiyak na hindi ito masasayang.

Sa ngayon, ani Cabotaje, wala pang side effect na napaulat mula sa ibang bansa na gumamit na ng Sputnik V. (Prince Golez/Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.