Una sa Balita

5 nadale sa land dispute

By
0 90

LAUR, Nueva Ecija — Apat ang napatay at isa ang sugatan makaraang pagbabarilin ang grupo ng mga biktima habang abalang nagtatayo ng kubo noong Sabado ng hapon sa Sitio Minalkot, Brgy. San Isidro, sa ba­yang ito.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PS/Supt. Manuel Cornel, Nueva Ecija police director, nakilala ang mga biktima na sina Elijo Salvatiera Barbado, 53; Gaudecio Morales Bagalay, 58; Emerencia Dela Rosa, 58, pawang residente ng Sitio Baterya, Brgy. Bagting, Gabaldon, Nueva Ecija; at si Violeta de Leon Mercado, 57, isang OFW na residente ng Brgy. Mapalad, Sta. Rosa. Sugatan si Angelita Yasay Milan, 50, residente ng Brgy. Calabasa, Gabaldon.

Nabatid sa isinaga­wang imbestigasyon na dakong alas-2:30 ng hapon, nang biglang dumating ang mga salarin na armado ng M16 armalite at kinumpronta ang grupo at pinaputukan ng ilang beses.

Tumakbo ang mga biktima at nagtago sa ilalim ng mga nakalatag na mga sahig na kawayan ng kubo, subalit sila ay nilapitan ng mga salarin at malapitang pinaulanan ng putok.

Samantalang si Milan na may tama sa kaliwang hita ay nakatakbo papalayo at ngayon ay naka-confine sa PJGMRMC Hospital sa Cabanatuan City.

Lumitaw sa pang-u­nang pagsisiyasat na may kaugnayan ito sa usapin sa lupa at inaalam kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy