Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 nadale ng Delta sa Zamboanga

0 257

Limang indibidwal ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 Delta variant sa Zamboanga City, batay sa datos na inilabas ng Philippine Genome Center.

Ayon sa report, sa iisang bubong lang umano nakatira ang limang Delta positive patient na kasalukuyan nang nagpapagaling sa isang quarantine facility.

Batay sa ulat, 3 sa pasyente ang menor de edad samantalang ang dalawa naman ay may edad na 26 at 44.
Dahil dito, umakyat na sa 6 kaso ang COVID Delta variant sa naturang lungsod. (VA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.