Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 nadakma sa Marikina buy-bust

0 92

ARESTADO ang lima katao matapos malambat bsa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng station drug enforcement unit ng Marikina Police, kamakalawa ng hapon sa Barangay Sto. Niño.

Sa report, nakilala ang mga suspek na sina Rosalinda Tedius, 21-anyos; Jay-R Pangilinan, 29; Wendell Aseo, 32; Rolly Roco, 37; at Glenn De Leon, 48, na pawang na kakulong na sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaresto ang lima bandang ala-1:25 Miyerkoles ng hapon sa Flores Market Alley Cor. E. Jacinto St. ng naturang barangay nang magsagawa ng buy-bust ang SDEU at makipagtransaksiyon sa mga suspek para makabili ng droga.

Narekober ang apat na gramo ng shabu na may P27,200 street value, P900, at P500 buy-bust money. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.