Una sa Balita

.5 milyong trabaho nasa Google Search na

By
0 428

UPANG matulungang gumaan sa paghahanap ng trabaho ang mga manggagawa, inilunsad ng Google ang paghahanap ng trabaho sa Pilipinas na maaring makapili sa 500,000 bakanteng trabaho na nasa kanilang talaan.

Ang nasabing paghahanap ng mga trabaho sa Google ay inaasahang magbubunga ng mga resulta dahil katuwang nila ang Department of Labor and Employment (DOLE), Kalibrr, Jobayan Jobs Cloud, at ang Civil Service Commission, ayon sa pahayag ng internet giant.

Ang pagkonekta sa mga kabataang Pilipino sa mga oportunidad sa trabaho ay isang “malaking hamon” sa mga milenyo na nagkakaloob ng tinatayang nasa ikatlong bahagi ng trabahador ng bansa, pahayag ni Stacie Chan, manager ng product partnerships ng Google Asia Pacific.

Ang mga gumagamit ng Google ay maaring salain o piliin ang resulta base sa posisyon, industriya, lokasyon, posting date at uri ng kompanya, ayon sa Google. Maari din silang magpasya na kumuha ng mga notification para sa mga bakanteng trabaho.

Tampok sa job search feature ang desktop browsers at ang Google Search app sa Android at iOS devices.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More