Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 militar sugatan sa engkuwentro

0 140

Nadale ang limang sundalo sa nangyaring engkuwentro laban sa ga miyembro ng Dawla-Islamiya Maute terrorist group sa bayan ng Madalum, Lanao del Sur nitong Miyerkoles, ayon sa Philippine Army.

Nagsasagawa umano ng combat operation ang 55th Infantry Battalion kasunod ng natanggap na ulat na may mga armadong lalaki sa Brgy. Tamporong.

Dito nakaharap ng tropa ng paahalaan ang bandidong grupo at umabot sa limang oras ang palitan ng putok. Agad naman na nilapatan ng paunang lunas ang mga nasugatang sundalo.

Narekober sa mga nakatakas na rebelde ang improvised explosive device, mga bala, pagkain, at mga personal na gamit. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.