Una sa Balita

5 menor de edad, 2 tulak timbog sa Marikina

0 229

ARESTADO ang pito katao kabilang ang limang menor de edad at dalawang tulak sa ikinasang buy-bust ope­ration sa Barangay Parang, Marikina City Linggo nang madaling-araw.

Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang dalawang tulak ng iligal na droga na sina Michael Villa­nueva, 35-anyos, pain­ter at Robert Alvarez, 24, kapwa nasa drug watch list ng Pasig. Habang ang iba pang naaresto ay may edad 15 hanggang 18-anyos.

Inaresto ang pitong suspek ala-una nang madaling-araw sa buy-bust operation sa Sampaguita St., Gem Subd., Barangay Parang matapos makipagtransaksyon ang isang mi­yembro ng Marikina Police sa isa sa mga suspek para makabili ng shabu.

Agad nalambat ang mga suspek at nakum­piska mula sa kanila ang 17 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 5.00 gramo at nasa P34,000 ang halaga, isang weighing scale at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 habang nakatakdang dalhin ang mga menor de edad sa bahay kanlungan. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More