Una sa Balita

5 kataong sakay ng SUV inambus sa Cavite

By
0 271

LIMANG katao na sakay ng Sports Uti­lity Vehicle (SUV) ang tinambangan mag aalas-siyete nang umaga kahapon sa Brgy. Molino 3, lungsod ng Bacoor, Cavite.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Emiliano Ilas, habang under medical treatment naman ang driver na si Arnolito Ilas sa South East Asian Medical Center.

Hindi naman napangalanan ang asawa ng biktima at dalawang kasambahay na kasama sa loob ng sasakyan nang maganap ang insidente.

Nagkalat ang mga basyo ng cal. 45 sa crime scene na ayon sa mga saksi ay hindi bababa sa walong putok ng baril ang kanilang narinig.

Inilusot pa umano ng isa sa dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang kanyang kamay sa loob ng nabasag na bintana sa driver side ng Toyota Fortunner at pinaputukan ang mga biktima

Nakilala ng isa sa mga saksi ang isa sa mga suspek na si alyas Eyoc, na habang sinu­sulat ang ulat na ito’y nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya laban sa suspek.
Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa krimen.