Una sa Balita

5 kabataan huli sa pot session sa sementeryo

By
0 398

WALANG kawala sa Malabon City Police ang limang menor de edad na lalaki matapos mabuking sa aktong humihithit ng dahon ng marijuana sa loob ng sementeryo, kamakalawa nang gabi sa Barangay Tugatog.

Nakilala ang mga nadakip na sina Sean Mathew Lomongo, 19-anyos, residente ng Town and Country Subdivision, Abangan, Marilao, Bulacan; Eric Bryan Espinosa, 19-anyos, Concepcion St., Barangay Tugatog, Malabon City at tatlong menor de edad na itinatago sa pangalang John Mark, 16-anyos; Alezandro, 15-anyos at Mark, 16-anyos, pawang mga residente ng Malabon City.

Ayon kay SP03 Randy Santiago, hepe ng Police Community Precinct (PCP) 4, nagsasagawa sila ng anti-criminality operation sa loob ng Tugatog Public Cemetery sa Barangay Tugatog, Malabon City, bandang alas-nuwebe nang gabi noong Lunes nang mapansin ang ilaw sa loob ng isang columbarium.

Agad na tinungo ng pulisya ang lugar at naa­moy ang usok ng marijuana at agad nakita ang pagtso-tsongke ng limang binatilyo kaya pinagdadampot ang mga bagets at dinala sa presinto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy