Una sa Balita

5 Intsik, 1 Koreano dinampot sa iligal na pagtatrabaho sa bansa

By
0 108

ANIM na dayuhan na iligal na nagtatrabaho sa Pilipinas ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa operasyong ikinasa sa Maynila at Bulacan noong nakalipas na linggo.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang operasyon ay sa bisa ng mission order matapos lumitaw sa imbestigasyon na lumalabag ang mga nasabing dayuhan sa Immigration laws sa bansa.

Kasama sa mga dinakip ay ang babaeng Chinese na nakumpiskahan ng pekeng Philippine passport at limang pa na walang kaukulang visa para magtrabaho sa bansa.

“There will be no letup in our campaign to flush out illegal aliens. We cannot allow these erring foreigners to make a mockery of our laws,” dagdag ni Mo­rente.

Kinilala naman ni BI Acting Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr. ang naarestong na sina Cai Nongnong, Guanxi Zheng, Honghong Zhuang, Jianmin Wu, at Zhidan Gao.

Nahuli rin ang Koreanong si Hyun Seung Kim.

Nakakulong na ang anim na mga dayuhan sa BI detention faci­lity sa Bicutan, Taguig at mananatili muna sila dito habang nakabinbin pa ang deportation proceedings laban sa kanila. (Maricel Diaz)