Una sa Balita

5 holdaper bulagta sa QC shootout

By
0 641

LIMANG holdaper ang napatay, tatlo dito ay nagpanggap na mga pa­sahero ng UV Express habang ang dalawa ay nilagpasan naman ang itinayong ‘checkpoint’ at pawang nakipagba­rilan umano sa mga awtoridad sa Quezon City, kahapon nang mada­ling-araw.

Batay sa inisyal na report kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PChief Supt. Joselito Esquivel Jr., u­nang nakaengkuwentro at napatay dakong ala-1:40 nang madaling-araw ang dalawang holdaper sa checkpoint sa Giraffe St., Brgy. Ugong, QC.

Ang mga hindi pa nakilalang mga holdaper ay nakasuot ng maong pants, black shirt, red cap, black mask at black shorts, black swea­ter, black mask at black/red cap.

Nagsasagawa umano ang mga operatiba ng QCPD Police Station 12 ng checkpoint sa Green Meadows St. cor Giraffe, nang lagpasan ng dalawang ‘riding-in-tandem.’

Dahil dito ay hinabol sila ng mga awtoridad subalit sa halip na huminto ay pinaputukan ang sasakyan ng tumutugis sa kanilang mga pulis kaya pinagbabaril na rin sila ng mga awtoridad.

Nabatid na isang robbery holdup ang nai-report sa Eastwood Police Station na naganap sa Green Meadows corner C-5.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More