Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 galamay ng BIFF sumuko

0 364

Sumurender ang limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Lebak, Sultan Kudarat.

Kinilala ni 6th Infantry Division chief Major Gen. Diosdado Carreon ang mga sumuko noong Linggo na sina Haris Marohom, Amer Sanday, Mindo Abdullah, Marvin Guima at Casim Sanday, mga miyembro ng BIFF-Kiram Abdullah faction.
Nagtungo ang mga surrenderer sa mga military at police official sa 603Bde headquarters sa Barangay Tibpuan, Lebak.
Naunang sumuko ang lider nila na si Kiram Abdullah noong July 17, 2020 sa Ampatuan, Maguindanao kasama ang apat nitong tagasunod.

Kasama nina Marohom, Sanday, Abdullah, Guima at Sanday na sinuko ang isang .30-caliber sniper rifle, dalawang .50-caliber Barrett sniper rifle at isang anti-personnel mine na may timbang ng walong kilo. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.