Una sa Balita

5 estudyanteng Pinoy nagpasiklab sa US Robotics Competition

0 555

Nag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas ang limang mag-aaral mula sa Bicol region matapos ang matagumpay nilang paglahok sa International Robotics Competition sa Amerika.

Ang lima ay kinabibilangan nina Keith Russel Cadores, Joscel Kent Manzanero, Gwyne Celeste Aguilar, Eugene Rivera at Joriel Brinton Frias, pawang mag-aaral ng Camarines Sur National High School (CSNHS).

Bago tumulak sa Amerika, sa kompetisyong isinagawa sa Tagaytay City noong Pebrero 5-9, 2018, nagwagi ang imbensyon nilang Solar Tracking­ Arduino Routed Kirigami (STARK).

Natalo man ang Pilipinas ng New Jersey sa u­nang puwesto, inulan pa rin sila ng pagbati dahil sa nakabibilib nilang imbensyon.

Posible rin umanong magkaroon ng courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga mag-aaral.