Una sa Balita

5 estudyante huli sa baong marijuana sa eskuwela

0 427

ANIM na menor de edad kabilang ang 5 estudyante ng Bacoor National High School ang inaresto nang mahulihan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng eskuwelahan sa Bacoor City, Cavite.

Hawak ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang inarestong sina Charles, 15; Jay 16; John, 17; James, 16; Mac, 16 at Rey, 15. Bukod kay James na isang obrero, lahat ng mga inaresto ay ­pawang mga estudyante.

Sa ulat ni PSSg. Alih Rimbang, ng Bacoor City Police Station,­ nalaman ng isang estudyante na may itinatagong pinatuyong dahon ng marijuana ang kanyang­ kaklase. Sa takot ay nagsumbong ito sa kanilang adviser.

Sa tulong ng kanilang security guard, ininspeksyon ang loob ng classroom ala-1:45 ng hapon kung saan narekober kay Charles ang 0.2 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P200.

Sa loob ng Guidance­ office, inginuso ni Charles ang kasabwat sa pagdadala ng marijuana.

Si James ay kabilang sa listahan ng street level target. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More