Una sa Balita

5 ektarya ng kagubatan sa Benguet nasunog

0 302

NILAMON ng apoy ang nasa limang ektarya ng kagubatan sa ­bahagi ng Bokod, Benguet, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Batay sa BFP, nagsimula ang sunog noong Sabado ng ­umaga sa Brgy. Amboklao.
Naapula ito ­dakong alas-9:20 ng gabi noong Linggo.

Gayunman, mu­ling sumiklab ang apoy alas-7:45 Lunes ng u­maga.
Ayon sa BFP, nahirapang umangat ang mga fire truck dahil matarik ang bundok.

Ginawa ­umano ng mga bombero na ­mag­lakad sa ­bundok para gamitan nang ­mano-mano ang pagpatay sa apoy kasama ang ilang ­residente sa lugar.

Siniguro naman ng mga bombero na ­patuloy nitong imo-monitor ang lugar para hindi maapektuhan ang mga kabahayan na malapit dito. (­Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More