Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 dinampot ng NBI sa abortion

0 130

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang indibidwal na sangkot sa operasyon ng iligal na abortion clinic sa Cebu City.

Kinilala ang mga suspek na sina Joey Paulino Guirigay, Francisca Abatayo Rebamonte, Gloria Dalog Gabutin, Meryteissie Pode Rural, at Amparo Lumagbas Gemarangan.

Nag-ugat ang pag aresto sa mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa iligal na aktibidad ng mga suspek.

Ayon sa complainant, nag-aalok umano online si Guirigay ng serbisyong abortion gamit ang Facebook account na Michelle Mayer kapalit ang halagang P9,500 hanggang P30,000.

Nabatid na nagawa ng mga ahente ng NBI-Central Eastern Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) na makipag-usap kay Guirigay para sa abortion service nito sa isang nagpanggap na kliyente.

May sinabi si Guirigay na dalawang opsyon para maalis ang pinagbubuntis: suction abortion na gagawin ng isang lisensiyadong OB-gyne doctor sa isang pribadong klinika na nagkakahalaga ng P30,000, o pag-inom ng abortion pills na nagkakahalaga ng P9,500 kada kit.

Nahuli ang mga suspek matapos nilang makipagkita sa poseur client para sa pekeng abortion noong Abril 28.

Sinampahan naman ng kaukulang kaso ang mga suspek sa Talisay City Prosecutor’s Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.