Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 Chinese, Pinoy timbog sa kidnapping

0 48

Arestado ang limang Chinese national at isang Pinoy habang nailigtas ang kidnap victim nilang 23-anyos na Chinese din matapos ang isinagawang operasyon kamakalawa ng hapon sa Paranaque City.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang naarestong sina Li Yang, Zhou Hao, Liu Jie Yong, Zhang Jia Hao, Qui You Bo, pawang Chinese at Nelson Malavega, Pinoy na drayber ng lima.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:40 ng hapon nitong Huwebes nang puwersahang isakay ng mga suspek sa kanilang Toyota Hi Ace Super Grandia van ang 23-anyos na biktima sa Aseana, Brgy. Tambo, Parañaque City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakatawag pansin ang komosyon sa mga guwardiya ng Asiana hotel at itinimbre sa Sub Station 2 ng Parañaque City Police Station.

Mabilis namang rumesponde ang pulisya kaya naaresto ang grupo at masagip ang biktima. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.