Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 Blackhawk chopper, lumapag na sa Clark

0 38

DUMATING nitong Lunes at tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang karagdagang limang S-70i Blackhawk Utility Helicopters mula Poland at lumapag sa Clark Air Base, Pampanga.

Ang unang batch ng anim na helicopter ay dumating noong isang taon.

Sa pinakahuling delivery, umakyat na sa 11 ang Blackhawk Utility Helicopters.

May ikatlong batch pa ng limang helicopters na inaasahang darating bago matapos ang 2021.

Ang Black Hawk ay maituturing na isa sa mga pinakamagaling sa multi-mission utility helicopters at maaring magamit sa iba’t ibang misyon.

Inaasahang makakatulong ang Blackhawks sa heli-lift capability ng Armed Forces of the Philippines at sa paghahatid-serbisyo ng pamahalaan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.