Una sa Balita

5 binatilyo na nanunog ng vendor sinuko kay Isko

0 506

KUSANG isinuko kay Manila Mayor ­Francisco ‘Isko Moreno’ ­Domagoso, ng kanilang mga ­magulang ang lima sa pitong kabataan na ­sinasabing nasa likod ng pagsunog sa isang ­vendor ng lobo.

Nabatid na kinabibilangan nina Ivan ­Matimatico, 19-anyos; Drandeb Colon, 18-an­yos; at lima pang menor de edad na nasa edad 15-16, ang pagsunog sa lobo ng biktimang si Oliver Rosales, 29-ANYOS, taga 24 M. Yulo St., Brgy. Hagdang Bato, Libis, Mandaluyong City.

Dalawa sa pito ang patuloy pa ring pinaghahanap na sina alyas ‘Axel’ at Matimatico matapos na hindi ito makita ng kanilang mga magulang.

Kasabay nito, nana­wagan si Moreno sa mga residente ng ­Pandacan na huwag ilagay sa kanilang mga kamay ang batas matapos makatanggap ng pagbabanta ang mga kabataan na nanunog ng lobo vendor na sila ay gagantihan kapag nakita sa daan.

Sasampahan ng kasong serious physical injury at alarm and scandal ang pitong suspek habang sina Matematico at Colon ay ­sasampahan ng kasong RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and ­Discrimination dahil ang mga ito umano ang nag-utos na silaban ang panindang lobo ng biktimang si Rosales.

Ayon kay Moreno, sa panig ng lokal na pamahalaan, ay gagawin nila ang pagsasampa ng kaso at depende na umano sa magiging desisyon ng Manila Prosecutor kung sila ay makakasuhan ng criminal o sibil lamang. (Juliet de Loza-­Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More